| Main Page | The Image | The Tagalog Novena | The National Shrine | The May 1 Fiesta |
| The 40th Coronation Anniversary | Send a Prayer for Intercession | View and Sign the Guest Book |



Awit at Panalanging Pang-araw-araw

1. Nakatayong aawitin bago simulan ang pagsisyam o novena:

SA DIVINA PASTORA

Sa Divina Pastora
Kami ay nagdarasal
Si Maria aming Patrona
Ibig naming marangal
Kanyang tulong laging-lagi
Kami ay humihingi
Purihin yaring SENORA
Tuwing araw at gabi.

Kung kami'y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
Tatawagin namin siya
Kung lalapit ang tukso;
O Maria, tutulungan
Kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami'y mamamatay.

2. Nakaluhod na darasalin ang Santo Rosaryo at Litanya ng Mahal na Birhen.

3. Nakaluhod na darasalin:

PANALANGIN SA BIRHEN DIVINA PASTORA

Panginoon naming Jesucristo, Mabuting Pastol na inihain Mo ang Iyong Buhay para sa Iyong mga nilalang, at itinagubilin kaming Iyong bayan sa kalinis-linisan Mong Ina nang Ikaw ay nakabayubay sa krus; ipagkaloob mo sa amin, na kasama ng Birhen Divina Pastora ay makasunod kami sa Iyo na aming tunay na Pastol dito sa lupa upang makasama Mo kami sa buhay na walang hanggan, sa pamagitan ni Jesucristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

4. Nakatayong aawitin:

Sa Hari ng Langit, Ina ni Hesus
Tayo na't mag-alay, magpuring lubos,
Ave, ave, ave, Maria!
Ave, ave, ave, Maria!

Sinta Ka ng puso, mahal kong Ina
Yaman at pag-asa, niring kaluluiwa.
Ave, ave, ave, Maria!
Ave, ave, ave, Maria!

5. Pumili ng araw:

Unang Araw: ANG PANGAKO
Ikalawang Araw: SI MARIA, INA NG DIYOS
Ikatlong Araw: ANG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO AT SI MARIA
Ika-apat na Araw: ANG PANANAMPALATAYA NI MARIA
Ikalimang Araw: ANG KABABAANG LOOB NI MARIA
Ika-anim na Araw: SI MARIA AY MASUNURIN
Ikapitong Araw: PAGTALIMA NATIN SA DIYOS
Ikawalong Araw: SI MARIA, INA NG SANTA IGLESYA
Ikasiyam na Araw: MARIA, INIAKYAT SA LANGIT, KATAWAN AT KALULUWA
-
Mula sa nobernaryong nilimbag ng Diocesis ng Cabanatuan


| Main Page | The Image | The Tagalog Novena | The National Shrine | The May 1 Fiesta |
| The 40th Coronation Anniversary | Send a Prayer for Intercession | View and Sign the Guest Book |